Zero Rabies Case, sinisikap sa Cabusao Camarines Sur

CAMARINES SUR- Walang maitalang kaso ng rabies ang target ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Cabusao, Camarines Sur. Noong 2023, nakapagtala ang bayan ng isang kaso.

Sa pahayag ng Department of Health (DOH)- Bicol , dapat paigtingin ang mga programa laban sa viral disease na nakakaapekto sa central nervous system ng isang taong nakagat ng rabies infected na hayop.  63% ang itinaas ng rabies sa bansa, simula sa kalagitnaan ng Disyembre 2023 ayon pa sa DOH  central offie at kasama sa mga may pagtaas ang Bicol Region.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Cabusao MAO Engr. Joey Moral, magkakaroon ng malawakang pagbabakuna sa mga alagang aso ngayong Marso.  May pakiusap din ito sa mga opisyal ng barangay, aniya dapat na hikayatin ang nasasakupan na pabakunahan ang alaga at huwag hahayaang pakalat-kalat sa kalsada. Nais din ng MAO na ipagpatuloy ang dog catching sa mga stray dogs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *