Zookeepers sa Ohio, ngulantang matapos manganak ang inakalang lalaking gorilya

Isang inakala lalaking gorilya ang ikinagulantang ng mga zookeepers sa Colombus Zoo sa Ohio, ‘pagkat bigla na lamang umano ito nanganak sa kaniyang sariling kulungan.

Ayon sa mga zookeepers, mahirap daw madetermina ang kasarian ng mga gorilya lalo kung ito’y bata pa.

Hindi gaya umano ng ibang primate na madali umano mahalata ang kanilang sex organs.

Sinabi rin ng mga ito na limang taon na umano nilang inaalagaan ang 8-taong gulang na western lowland gorilla na si Sully at buong akala nga nila isa itong lalaki.

Sa mga susunod na araw, titingnan ng mga beterinaryo kung ano na nga ba ang kalagayan ni Sully maging ang anak nito.

Subalit, sa ngayon hinahayaan na muna nilang alagaan ni Sully ang kaniyang anak at idadaan rin umano ito sa DNA Test upang makilala kung sino ang ama ng nasabing bagong panaganak na gorilya.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *