Zubiri, nagpahayag ng suporta sa hindi pagpapalawig ni PBBM ng Covid-19 state of calamity

Nagpahayag ng suporta si Senate President Juan Miguel  Zubiri  sa hindi pagpapalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of calamity dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Zubiri na ayaw ng Pangulo na masira ang imahe ng bansa lalo na sa mga foreign tourists sa pamamagitan ng pagpapalawig ng state of calamity.

Bilang kapalit ng deklarasyon, sinabi ni Zubiri na tutuparin ng Senado ang panawagan ng Pangulo na pagsikapan na maipasa ang mga panukalang batas na bubuo sa Center for Disease Control at Virology Institute of the Philippines.

Ang mga hakbang na ito,  sinabi ng pinuno ng Senado ay sumasaklaw  sa kahilingan ng Department of Health partikular na sa special powers para sa Covid-19 vaccination.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *