Zubiri, Romualdez – ceasefire na muna

Ibinalita ni Senate President Migz Zubiri sa publiko na nagkaroon sila ng magandang pag-uusap ni House Speaker Martin Romualdez, ito ay matapos ang kanilang pagkikita nitong Araw ng Puso.

Ayon kay Zubiri, sa kanilang pag-uusap ay nagkasundo silang isantabi muna ang away nila tungkol sa kamakailang kontrobersya sa people’s initiative (PI).

Dagdag pa niya, magpopokus muna rin daw sila sa pagsasabatas ng mga panukalang batas na makatutulong sa mga mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito, posibleng sa mga susunod na linggo ay magkaroon na umano sila ng secondary meeting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *