Zubiri, tiniyak na garantisadong mararatipikahan sa Senado ang RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan

Naniniwala si Senate President Migz Zubiri na walang magiging problema sa ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa Senado.

Ito ay matapos tiyakin ni Zubiri na nakatanggap na siya ng mahigit labing-anim na suporta mula sa kanyang mga kasamahang senador.

Dagdag pa niya, malaki rin ang maitutulong nito sa interoperability at cross training ng mga navy at coast guard sa bansa upang maprotektahan ang West Philippine Sea.

Maalala, sa ilalim nito, magkakaroon ng joint military exercises at military cooperation ang Japan at Pilipinas na siyang pareho sa kasalukuyang visiting forces ng bansa sa Autralia at Estados Unidos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *