₱700K na halaga ng shabu nasamsam sa Naga City

NAGA CITY – Aabot sa isang daang gramo ng illegal na droga ang nabawi ng mga otoridad sa dalawang tulak umano sa lungsod ng Naga sa ikinasang buy bust operation.

Sa nakalap na ulat ng Brigada News FM Naga, nangyari ito sa Brgy. San Felipe pasado 5:00 ng madaling araw kahapon at kinilala ang mga suspek na sila Raynier Dayaday , 33-anyos residente ng Tanuan, Batangas, congtruction worker  at si Susan Alegre , 59-anyos, byuda ng nasabing lugar.

Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit at ng Naga City Police Office, kung saan isang operatiba ang tumayong poseur buyer at nakatransaksyon ng isa sa mga suspek.

Isang sachet na naglalaman ng 25-gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nabili ng operatiba mula sa mga suspek sa halagang ₱75K.

Nang maibigay na sa pulis ang order nito, doon na ito nagbigay ng hudyat at mabilis na sinugod ito ng mga naka-antabay na otoridad sa loob mismo ng tinutuluyang bahay.

Nakuha sa pag-ingat ng mga arestado ang 10 pakete na naglalaman ng kaparehong droga aabot sa 80-gramo ang timbang.

Samantala, aabot sa 105 grams ng illegal na droga ang pangkalahatang nakuha sa dalawang suspek kung saan nagkakahalaga ito ng ₱714K ang dangerous drugs board value.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *