₱816k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang lalaking dati ng naharap sa kaso ng droga sa Tayabas City

Arestado ngayon ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Isabang, Tayabas City nitong Sabado, Pebrero 10.

Ayon sa report, pasado alas-5:00 ng umaga ng ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Nelson, 48-anyos, residente ng Brgy. Mamala 2, Sariaya, Quezon.

Sa gitna nito, nasabat mula sa suspek ang apatnapung (40) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱816,000.

Nasamsam rin ang isang (1) coin purse, isang (1) genuine 1000-peso bill at sampung (10) piraso ng 1000-peso boodle money.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *