π—•π—”π—§π—”π—‘π—š π—¨π—‘π—”π—‘π—š π—‘π—”π—£π—”π—¨π—Ÿπ—”π—§ 𝗑𝗔 𝗑𝗔π—ͺ𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—¦π—˜π—£π—§π—œπ—– π—§π—”π—‘π—ž 𝗑𝗔 π—ͺπ—”π—Ÿπ—” π—‘π—”π—‘π—š 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬

Wala nang buhay na natagpuan sa loob ng isang septic tank ang 4-anyos na batang unang napaulat na nawawala sa Pudtol, Apayao.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, inihayag ni PNP Pudtol OIC PCapt Thomas Bayan Cayomba Jr. na huling nakita ang bata na naglalaro sa harap ng tindahan ng kaniyang lola noong October 22 bago ito mawala.

Aniya, makalipas ang ilang araw ay nahanap ang wala nang buhay na bata sa loob ng hindi pa gamit na septic tank kung saan wala pa itong suot na anumang saplot.

Ayon pa sa kapulisan, batay sa paunang pagsusuri sa bata ay mayroong senyales na ito’y minolestiya dahil sa mga nakitang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Dahil sa pangyayari, naniniwala ang pamilya ng biktima na mayroong foul play sa pagkamatay ng kanilang anak at tanging hustisya ang nais nilang makamtan.

Nagpapatuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *