𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗪, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗

Patay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng isang lalaking nalunod sa ilog na bahagi ng Barangay Asinga Via, Baggao, Cagayan kahapon, November 20.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team kay Narciso Corpuz, ang head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Baggao, kinilala ang nasawi na si Rowel Eleydo Soriano, 38-anyos at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, noong ika-18 ng Nobiyembre ay nagpastol ng alagang kalabaw ang nasawi at kinakailangan pa nitong tumawid sa ilog kaya may posibilidad na nadulas ang biktima at tumama ang ulo sa matigas na bagay na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Kaugnay nito, sinubukan ng pamilya ng nasawi na hanapin ito subalit hindi nila natagpuan ang kanilang kaanak hanggang sa sumangguni sila sa mga awtoridad at doon na nga natagpuan ang bangkay ni Soriano. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *