𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝟯 𝗗𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗘𝗧𝗦, 𝗜𝗡𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Ipinasakamay na ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ang Listahahan 3 Data Sets sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ayon sa kagawaran, ang naturang Listahanan 3 database ang siyang magiging basehan sa pagpili ng mga potensyal na benepisaryo ng social protection programs at iba pang serbisyo.

Nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa bawat lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos at tamang pagtukoy ng mga benepisaryo.

Samantala, ang probinsya ng Isabela ay isa sa mga Local Government Units na mayroong kasunduan sa ahensiya hinggil sa Data Sharing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *