π—£π—”π— π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—•π—œπ—‘π—›π—œ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, π—¦π—œπ—‘π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗑𝗔

Nagsimula na kahapon, November 6, 2023 hanggang sa November 9 ang pamamahagi ng binhi ng DA- Philippine Rice Research Institute Isabela sa ilalim ng RCEF Rice Delivery Program.

Batay sa anunsyo ng DA-PhilRice Isabela, ang delivery ay isasagawa sa bawat probinsya ng Lambak ng Cagayan at Cordillera Administrative Region.

Kabilang sa binhi na ibibigay sa mga benepisaryo ay ang inbred seeds.

Kaugnay dito, nasa 50,000 na binhi ang ihahatid sa Isabela, Quirino, Ifugao, Benguet, Cagayan, at Kalinga.

Hinikayat naman ng DA-PhilRice Isabela ang mga benepisaryo na makipag-ugnayan sa City/Municipal Agriculture Office upang malaman ang kanilang mga schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *