π—£π—”π— π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—¦π—žπ—’π—‘π—š π—›π—”π—‘π——π—’π—š 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—–π—”π—¨π—”π—¬π—˜Γ‘π—’, π—‘π—”π—šπ—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—” 𝗑𝗔

Nagsimula na ang Local Government Unit ng Cauayan City ng pamamahagi ng pamaskong handog sa bawat pamilya sa lunsod.

Ayon sa LGU-Cauayan City, sinimulan kahapon sa Forest Region ang pamamahagi ng pamaskong handog kung saan pinangunahan ito ni Cauayan City Mayor Jaycee Dy kasama si Cong. Inno Dy at iba pang opisyal sa lunsod.

Ang mga barangay na pinuntahan ay kinabibilangan ng Villaflor, Rogus, Devera, Villa Concepcion, Sta. Maria, Maligaya, Disimuray, at Baculod.

Nakatanggap ang mga residente dito ng grocery items habang mayroon namang cash gift ang mga bata.

Magtatagal hanggang December 14, 2023 ang pamamahagi ng pamaskong handog sa lunsod ng Cauayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *