𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗨𝗠𝗨𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗭𝗔, 𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝟭𝟬-𝗠

Gumuho ang lumang gusali ng Cagayan Economic Zone Authority sa Sta. Ana, Cagayan kahapon matapos ang nararanasang malakas na hangin bunsod ng bagyong Betty.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, dakong ala-1:48 kahapon ng gumuho ang CEZA paper milling building.

Una rito ay nagsasagawa umano ng inspeksyon ang naka-duty na security guard sa lugar nang gumuho ang gusali kung saan sinasabing bumigay ang gusali dahil s amalakas na hangin dulot ng bagyong Betty.

Dahil dito ay napinsala ang mga kagamitan na nasa loob ng gusali kung saan kinumpirma ni Jaybee Jolo Tumaneng, empleyado ng CEZA na tinatayang humigit-kumulang sampung milyong piso ang halaga ng pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *