π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—›π—œ π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—¨π— π—œπ—‘π—š π—§π—¨π—•π—œπ—š, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—‘π—”π—š π—‘π—š 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§

Ipinaliwanag ng Cauayan City Water District ang mga posibleng dahilan ng maruming tubig na lumalabas sa mga faucet ng mga kumokonsumo.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Jaycibet Ramirez ang Division Manager ng Water District sa lunsod, mayroong iba’t- ibang sanhi ng pagkakaroon ng maruming tubig na posibleng maranasan ng mga konsyumer.

Aniya, isa na rito ang mga isinasagawang construction ngayon sa bahagi ng Cabaruan at National Highway kung saan nabubulabog ang mga pipes kaya’t naglalabas ng maruming tubig.

Maaari ring sanhi ng maruming tubig ang after the meter o sariling linya ng mga kumokonsumo kabilang na ang lumang pipelines.

Sa oras naman aniyang mayroong natanggap na ganitong complaint ang water district ay agad silang gumagawa ng service memo upang mapuntahan at masolusyonan agad ang problema.

Pinayuhan rin ni Division Manager Ramirez ang mga konsyumer na mayroong problema sa serbisyo na magtungo lamang sa kanilang opisina.

Kasalukuyan namang walang pagtaas sa presyo ng tubig habang pinaalalahanan naman ng opisyal ang mga konsyumer na magbayad sa tamang oras upang matugunan rin ang kanilang mga expansion projects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *