π—₯π—˜π—§π—œπ—₯π—”π——π—’π—‘π—š π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦ 𝗦𝗔 π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—₯π—œπ—Ÿ-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬; π— π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ— π—”π—‘π—š π—œπ— π—•π—˜π—¦π—§π—œπ—šπ—”π—¦π—¬π—’π—‘, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬

Patay ang isang retiradong pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Romeo Brillantes at residente ng Barangay Bugnay.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni Tuao PNP Chief PMaj Jhunjhun Balisi na kasalukuyan ang patrolya ng kapulisan nang mangyari ang insidente.

Nakarinig umano ang mga nagpapatrolyang pulis ng putok ng baril sa harapan ng palengke kung saan nang sila’y rumesponde ay bumungad sa kanila ang nakabulagtang biktima.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala ng baril at naidala pa sa pagamutan ngunit nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Bukod dito, nadatnan pa ng mga pulis ang mga riding-in-tandem at nagkaroon ng barilan na natigil lamang nang isiniksik ng riding-in-tandem ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kumpulan ng tao.

Matapos nito ay mabilis umanong nakatakas ang mga suspek at ngayo’y nangangalap na ng CCTV footage ang pulisya sa direksyong pinuntahan ng mga suspek upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng kalibre 45 na baril na ginamit ng mga suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *