Covid Update

10,670 new COVID-19; Total active tally, higit 118K na

Naitala ng Pilipinas ang 10,670 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 201, sa gitna na bigong makasumite ng kanilang datos ang dalawang laboratoryo.

Ang naturang bilang ang nag-udyok para sumipa ang kabuoang kaso sa 2,643,494.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng DOH na tumaas sa 118,203 ang bilang ng mga active cases, kung saan 77.7% pa dito ang nakakaranas ng mild symptoms, 13.4% ang asymptomatic, 2.7% ang severe, at 1.1% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, umakyat naman ang total recoveries sa 2,486,059, matapos gumaling ang 7,691 pang pasyente, habang 191 ang mga bagong fatalities, dahilan para maitala ang kabuoang death toll na 39,232.

Samantala, batay sa datos ng gobyerno, lumalabas na ang intensive care unit beds para sa COVID-19 patients ay nananatiling nasa high risk sa 72% ng kabuoang 4,500 ICU beds nationwide na ginagamit, habang 71% naman ng kabuoang 1,500 ICU beds sa National Capital Region ang okupado. //MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago