11 miyembro ng IPs, kasama ang 4 na menor de edad, nasagip mula sa umano’y mga human traffickers sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY — LABING-ISANG miyembro ng tribong Dulangan-Manobo sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat ang nasagip ng mga kapulisan mula sa mga kamay ng umano’y mga human traffickers.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Police Lt. Col. Julius Malcontento, hepe ng Lebak PNP, kinumperma nito na apat sa nasabing mga biktima ay menor de edad.

Nasagip umano ang mga ito sa isang checkpoint sa Barangay Christianuevo ng bayan ng Lebak habang sakay ng isang Hi Ace Van na may plate number 1715.

Sinabi ni Malcontento na dadalhin sa Manila ang mga biktima para mag-trabaho ngunit walang maipakitang dokumento ang dalawang suspek dahilan upang hulihin at harangin ang mga ito ng mga otoridad.

Ayon kay Malcontento, pawang mga residente ng Barangay Poloy-poloy at Salangsang ang mga biktima.
Kaninang umaga, sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act ang dalawang mga suspek.

Isa sa mga ito ay kinilalang si Alyas John, 32-anyos, drivert at residente ng San Pedro, Laguna at isang Alyas Keith, 23, driver at residente naman ng Barangay EJC Montilla, Tacurong City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *