12 biktima ng food poisoning sa Balayan, Batangas

Patuloy pa ring nagpapagaling sa Calatagan Medicare Hospital ang 12 mga tauhan ng Tierra Del Sur Poultry Farm makaraang makaranas ng pagsusuka, pagsakit ng ulo, pagtatae at pagkahilo matapos kumain sa isang fast food chain sa loob ng supermarket sa Balayan Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Calatagan Municipal Police Station, hapon nitong Miyerkules, nang isugod sa ospital ang mga empleyado ng nasabing farm.

Ito ay matapos kumain umano ng manok at kanin sa isang branch ng kilalang pizza ang 12 biktima.

Ayon sa mga biktima, may kakaiba umanong amoy ang manok na kanilang kinain subalit binalewala nila ito.

Ngunit makaraan ang ilang minuto ay nakaranas na ang biktima ng hindi magandang pakiramdam.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *