13 Pilipino na lumikas mula sa Kyiv, nanunuluyan na sa isang hotel sa Poland

Inanunsyo ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola na nasa Warsaw, Poland na ang 13 Pilipino na lumikas mula sa Ukraine sa gitna ng Russian invasion.

Inihayag ito ni Arriola matapos ang byahe ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na naglalayon na tulungan ang mga Pilipino na gustong makaalis ng Ukraine sa pamamagitan ng pagpasok sa border ng Poland.

Ayon kay Arriola, kasama sa nasabing bilang ang 12 adults at isang sanggol.

Sinabi ng opisyal na naunuluyan na ang mga Pilipino sa isang hotel sa Warsaw, Poland, habang tinutulungan rin sila ng Embahada ng Pilipinas.

Sumailalim na rin aniya ang mga nasabing Pilipino sa RT-PCR test, at oras na sila ay mag-negatibo ay papayagan na silang makauwi sa Pilipinas mamayang gabi o bukas.

Nabigyan rin sila ng $200 na ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *