139 new cases, 167 recoveries, 6 deaths sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Nagtala ng 139 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region base sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong araw.

60 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 28 ang naitala sa Naga City, tig-apat ang bayan ng Baao at Caramoan, tatlo sa bayan ng Tinambac, tigdadalawa ang mga bayan ng Cabusao, Calabanga, Magarao, Nabua, Ocampo, Siruma at lungsod ng Iriga at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bato, Buhi, Bula, Lupi, Milaor, Pili at Sagñay.

24 na kaso ang nadagdag sa Albay kung saan pito nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, apat sa bayan ng Polangui, tigtatlo ang bayan ng Sto. Domingo at lungsod ng Tabaco, dalawa sa bayan ng Oas at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Libon, Manito at Pio Duran.

Ang Camarines Norte ay may 21 bagong kaso kung saan tig siyam ang bayan ng Daet at Labo, dalawa sa bayan ng Talisay at isa sa bayan ng Paracale.  

Ang lalawigan ng Sorsogon ay may 15 panibagong kaso kung saan 11 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Irosin at isa sa bayan ng Prieto Diaz.

Sampong bagong kaso ang nadagdag sa Catanduanes kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Virac at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Caramoran at Viga.

Siyam na kaso naman ang naitala sa Masbate kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Monreal, tatlo sa bayan ng San Jacinto at dalawa sa Mas bate City.

Sa kabuuan, ay pumapalo na sa 23,898 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol mula noong March 2020. 19,547 na nito ang mga gumaling matapos na magtala ng 167 na panibagong recoveries.

46 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate, 45 sa Camarines Sur, 30 sa Camarines Norte, 24 sa Naga City, 12 sa Sorsogon at sampo sa Catanduanes.

Samantala, umabot na sa 924 ang death toll matapos na madagdagan ng panibagong anim na nasawi. Dalawa nito ay mula sa Masbate, dalawa rin sa Sorsogon at tig-isa ang Albay at Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *