14 katao kabilang ang isang SK kagawad, arestado sa ilegal na tupada sa Porac

Arestado ang 14 katao sa ikinasang raid ng mga otoridad sa illegal na tupadahan kahapon sa bgy Manibaug sa bayan ng Porac.

Kabilang sa mga naaresto ang isang SK kagawad ng bgy Malabanias Angeles city na kinilalang si Margarita Tajale.

Kumpiskado sa naturang raid ang bet money na nagkakahalaga ng mahigit 8 thousand pesos, mga tari pati na patay na manok panabong.

Naisakatuparan ang raid matapos na magsumbong ang ilang concerned citizen.

Samantala mahaharap naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at paglabag sa RA 11332.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *