15 miyembro ng isang pamilya sa Namibia, patay matapos kumain ng lugaw

NAGPAPATULOY ngayon ang imbestigasyon ng Ministry of Health and Social Services sa bansang Namibia, matapos ang pagkasawi ng 15 miyembro ng isang pamilya matapos ang mga itong kumain ng lugaw.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente sa Kayoya Village sa Kavango East Region.

Edad dalawa hanggang 33-taong gulang ang mga biktima dahil sa pagkain ng lugaw na umano’y gawa sa mga tirang sangkap sa paggawa ng alak.

Isinugod sa Nyangana District Hospital ang mga biktima ngunit mayorya sa mga ito ay hindi na naka survive at tuluyang binawian ng buhay habang ang natitirang tatlo ay nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa isang police officer, ito na umano ang pinakamalaking insidente ng ‘food poisoning’ na nangyari sa naturang lugar. ### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *