Showbiz

Jake Zyrus, magpe-perform para sa isa sa pinakamalaking LGBTQIA+ event sa NYC

Magpe-perform ang singer na si Jake Zyrus sa NYC Pride March sa June 27, na isa sa mga pinakamalaking events sa buong mundo na ipinagdiriwang ng LGBTQIA+ community.

Bagama’t hindi makakalipad si Jake mula Pilipinas papuntang New York ay nagawa pa rin ng organizers na makausap siya para hilingin sa kanya na mag-perform virtually.

Sinabi ni Jake na labis siyang nagpapasalamat sa oportunidad dahil ito na ang unang beses na makakapag-perform siya para sa isang malaking Pride event sa ibang bansa.

Aminado naman ang singer, na dating nakilala bilang si Charice Pempengco, na nakakaramdam siya ng kaba dahil ito ang unang beses na marami ang makakakita sa kaniya bilang si Jake Zyrus at makakarinig sa mga bago niyang kanta at bagong boses.

Umaasa naman si Jake na marami siyang mai-inspire sa kaniyang performance sa event na ipalalabas sa ABC sa linggo.

Mababatid na pwede nang mapakinggan ang kaniyang pinakabagong international release na pinamagatang “Fix Me” sa lahat ng digital platforms sa buong mundo.

BNFM Makati

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

2 hours ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

2 hours ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

2 hours ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

2 hours ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

2 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago