1K tricycle driver nabigyan ng libreng gulong

SORSOGON CITY – Umabot na sa isanlibong tricycle driver sa bayan ng Irosin ang nabigyan ng libreng gulong ng lokal na pamahalaan.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon  sa akalde ng nasabing bayan, sinabi nito na magtutuloy umano ang kanilang simpleng programa para sa mga tsuper ngayong panahon ng pandemya kung saan magiging malaking kabawasan na sa maintainance ng mga ito ang libreng gulong para sa kanilang pamamasada na magagamit sa loob ng matagal na panahon.

Ang sektor ng transportasyon ang isa sa pinaka-naapektuhan ng COVID-19 sa bansa kung saan maliban sa mga ibinibigay na ayudang mga relief goods isa ang pamimigay ng libreng gulong sa naisip ng LGU na dagdag tulong para sa mga nasabing tsuper.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *