2 bagong  kumpirmadong kaso ng COVID-19 naitala sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Kinumpirma ng Municipal Health office nitong June 28,2022 na muling nakapagtala ng dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Daet

Sa opisyal na pahayag, isang lalaki at isang babae ang nasabing nagpositibo sa sakit, ang isa ay 60 anyos, government employee na may Bicol code # 59204 na nakaranas ng lagnat, ubo, myalgia, sore throat and coryza,  habang ang isa naman ay babae, 24 anyos, na may Bicol code # 59205 na may parehong sintomas na naranasan kay Bicol code # 59204.

Ang dalawang nagpositibo ay isinailalim na ngayon sa kaukulang quarantine at isolation.

Sa kasalukuyan, ang nasabing bayan ay may (6) anim na aktibong kaso ng COVID-19.

Patuloy parin ang sinasagawang contact tracing ng contact tracing team upang mapigilan ang lalo pang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *