2 barko ng Pilipinas binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard

Mariing kinondina ng Department of Foreign Affairs ang ginawang pagharang ng tatlong Chinese Coast Guard vessels sa dalawang barko ng Pilipinas sa bahagi ng Ayungin shoal.

Ayon kay DFA Sec. Teddy Boy Locsin ipaparating niya kay Chinese Amb. Huang Xilian ang galit, at pagkadimasya ng bansa sa ginawa ng China.

Maliban kasi sa pagharang ng Chinese Coast guard binomba pa ng water cannon ang Philippine ships na naatasang magdeliver ng supply sa mga tropa na nasa Ayungin Shoal.

Binigyan diin ni Locsin na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Kalayaan Island Group at isa sa makasaysayang parte ng Pilipinas kaya naman sakop ito ng sovereign rights at jurisdiction ng bansa.

Dagdag pa ng kalihim na ang ginawa ng Chinese Coast Guard vessels ay illegal at kailangan nitong lisanin ang naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *