2 kawani ng Narra Emergency Response Unit, patay sa aksidente

Dead on the spot ang dalawang tauhan ng Narra Emergency Response Unit (NERU) matapos maaksidente ang sinasakyan na ambulansya bandang 10:00 ng umaga kanina.

Kinilala ang mga nasawi na sina Erwin Garcellano, 39 anyos na- incharge sa weather monitoring at ang driver na si Buddy Gorospe, 45 anyos na pawang mga residente sa Poblacion, Narra.

Sa inisyal na impormasyon, umangat umano ang gulong ng behikulo bago sila naaksidente kaya nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.

Ayon sa NERU, nagmo-monitor sa mga barangay ang dalawa dahil sa nararanasang sama ng panahon sa munisipyo.

Sa ngayon, nasa isang purenarya na ang dalawang  katawan ng mga namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *