Kritikal ang dalawang lalaki matapos na undayan ng saksak ng dalawang lasing sa Barangay Mangsee sa Balabac, Palawan.
Ang mga biktima ay kinilala ng MDRRMO Balabac na sina Dilman Basirun Taril at si Jovani Yu.
Sa ulat ng Barangay Mangsee, ganap na 8:45 nitong gabi ng Lunes ay bumili sa isang tindahan ang mga suspek na sina Patte Bismani 27 anyos at si Assep Bassan 26 anyos na pawang taga- Mangsee.
Nagpumilit umano ang mga suspek na bumili ng alak subalit hindi sila pinagbigyan dahilan para sila’y sumigaw-sigaw.
Kalauna’y lumabas ng bahay ang biktimang si Dilman at pinagsabihan ang dalawa na umuwi na lamang pero bigla siyang sinaksak. Ilang sandali pa ay lumabas na si Jovani para umawat ngunit inatake rin siya ng mga suspek.
Nagtamo ng parehong tama sa tiyan at tagiliran ang mga biktima kaya kinailangan nilang operahan ngayon sa pribadong ospital sa Puerto Princesa.
Samantala, nahuli ng pulisya si Bismani at ngayo’y nasa BALABAC-MPS habang si Asep Basit ay pinaghahanap pa.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…