2 menor de edad, magkahiwalay na nalunod sa Quezon

Patay ang dalawang menor de edad matapos magkahiwalay malunod ang mga ito sa bayan ng Mulanay at Mauban, Quezon nitong Sabado de Gloria.

Sa bayan ng Mulanay, naglalangoy noon bandang alas-12:30 ng tanghali ang isang batang babae kasama ang kanyang 10 kaanak nang matagpuan na lamang itong walang malay.

Sa isa ring insidente ng pagkalunod, natagpuan na lamang na wala ng buhay at palutang-lutang ang tatlong taong gulang na lalaki sa ilog sa Mauban, Quezon.

Inakala umano ng nanay ng bata na kasama ng tatay ang biktima matapos niya itong makita na umalis bandang alas-9:00 ng gabi.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan subalit parehas itong idineklarang dead on arrival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *