22 katao na imbwelto sa ilegal na droga naaresto sa unang linggo ng Agosto-PNP Bicol

LEGAZPI- Ibinahagi ng Philippine National Police Regional Office 5 ang mataas na record ng kanilang nahuli sa isinagawang illegal drugs operation sa rehiyon sa unang linggo ng buwan ng Agosto.

Ayon sa PNP Bicol umabot sa 22 katao sa isinagawang 19 na operasyon ang nahuli ng mga otoridad na kung saan isa rito ang napatay matapos manlaban.

Lumalabas rin na aabot sa 102.364 gramo ng ipinagbabawal na gamot na may kabuuang halaga na P707, 483.68 habang isa namang baril ang narekober sa kabuuang operasyon.

Samantalang maliban sa ilegal na droga malaki rin umano ang naging akomplishemento ng PNP sa operasyon kontra ibat-ibang kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *