22 Pilipino sa Israel, nag-request ng repatriation

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Usec. Hans Leo Cacdac na pianghahandaan na nila ang repatriation ng mga overseas Filipinos na nag-request nang makauwi ng Pilipinas mula sa Israel.

Sa pulong balitan, sinabi ni Cacdac na mayroong 22 mga Filipinos ang humiling na ma-repatriate na sa bansa.

19 dito ay mga caregivers; at tatlo naman ang mga hotel workers.

Ang mga Pilipino na ito ay nakatira sa mga conflict-affected areas malapit sa Gaza.

Inihahanda na rin ang posibleng pagpapauwi sa labi ng dalawang mga Pilipinong namatay sa giyera.

Sa ngayon, mayroon pa raw tatlong mga Filipinos na unaccounted at patuloy pang pinaghahanap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *