Editors Pick

24 bets sa 2022 polls sa Ilocos provinces, tatakbong unopposed

Kinumpirma ng Commission on Elections na 24 na mga kandidato sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang tatakbo na walang kalaban sa 2022 polls.

Sa 23 na bayan at lungsod sa Ilocos Norte, limang kandidato ang unopposed: na kinabibilangan ni Mary Chrislyn Abadilla ng (Banna), Crescente Garcia (Burgos), Francisco Espiritu Jr. (Dumalneg), Antonio Mariano (Marcos), at Aldrin Garvida (Nueva Era).

Ang mga ito maliban kay Espiritu, ay kasalukuyang nagsisilbi bilang mga alkalde ng probinsya.

Para sa ikalawang pinakamataas na local posts, lima rin ang mga tatakbong walang kalaban, na sina Denton Lawrence Garvida ng (Bangui), Erdio Valenzuela (Dingras), Fraincess Kwyn Espiritu (Dumalneg), at Caroline Garvida (Nueva Era).

Ang incumbent na si Mayor Carlito Abadilla II ng Banna, na tatakbo sa vice mayoral post sa susunod na taong halalan ay wala ring opponent.

Sa kalapit na Ilocos Sur province, 14 na mga kandidato pagka-bise alkalde ang tatakbong walang kalaban. //MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

4 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

4 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

4 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

4 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago