Categories: KaliboVisayas

29 anyos na lalaki, arestado sa pambubugaw ng tatlong babae

Arestado ang isang 29 anyos na lalaki sa isinagawang entrapment operation sa isang hotel sa Rizal Street, Brgy. Poblacion, Kalibo, Aklan dahil sa pambubugaw ng tatlong babae.

Kinilala ang suspek na si Ruel Fuentes at residente ng Brgy. New Buswang, Kalibo kung saan ang tatlong babae na kasama nito ay nasa edad 20, 21 at 24.

Batay sa report, ilang araw nang under surveillance ang suspek dahil sa illegal na transaksyon kung saan may isang asset na nagpanggap na costumer at noong tanggapin na nito ang pera na nagkakahalaga ng Php 4,500 ay dito na siya inaresto ng mga pulis.

Ayon naman sa suspek, nagawa niya ang nasabing bagay dahil hirap itong maghanap ng trabaho ngayong may pandemiya. Samantala, kasong paglabag sa R.A 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang kakaharapin ng suspek na nakakulong ngayon sa Kalibo PNP.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago