29 EJK and torture cases, na-‘delist’ ng DOJ dahil sa kakulangan ng testigo

Binitawan na ng multi-agency group ang imbestigasyon at pagre-review sa dalawampu’t-siyam mula sa higit 350 cases ng extrajudicial killings o EJK at torture.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na na-delist na ang mga kasong ito dahil sa kakulangan ng mga testigo, ‘o ‘di kaya’y lack of interest sa parte ng mga complainants.

Ito ay bahagi ng naging desisyon ng Inter-Agency Committee na pinamumunuan ng DoJ – task group na siyang naka-toka sa imbestigasyon ngmga human rights violations sa bansa.

Ang nasabing 29 cases na na-delist ay pawang nangyari sa Calabarzon at sa Eastern Visayas.

Ang mga lugar na ito at tinukoy ni Guevarra bilang ilang mga areas na kung saan ay mayroong umiiral na insurhensiya ng mga komunista.

Sa kabila nito, bago pa man alisin sa mga kasong ito sa kanilang case inventory, tiniyak ng Kalihim na nakarating na ito sa investigation stage ng PNP, Commission on Human Rights, at ng National Prosecution Service ng DoJ.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pagre-review sa higit 1,800 iba pang mga insidente ng paglabag sa international human law – kabilang na rito ang 263 mga insidente na ‘di umano’y kagagawan ng New People’s Army; pati na rin ang iba pang unsolved cases sa ilalim ng Administrative Order No. 35.(GAB DALISAY)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *