2nd Mayor’s Cup Open-Basketball Tournament, maayos na nagtapos sa bayan ng Brookes Point

Matagumpay na nag tapus ang 2nd Mayor Benedito & Vice Mayor Feliciano Open Invitational Basketball Tournament 2023 nito lamang sabado sa bayan ng Brooke’s Point

Nasungkit ng Rain and JYP’s Salon ang kampeonato, nasa 1st place ang Quezon Leonard Transport, pumangalawa ang Bataraza RLK Dragons at pumangatlo ang Team Nickson Coron.

Naging best Import naman si ALLYN BULANADI mula sa kupunan ng Rain And JYP’s Salon, Best in Uniform ang Tropang Giga, GBD Narra naman para sa Best in Muse, habang Most Discipline Team ang Team ALAS at RJT SLASHERS.

Kaugnay nito, nag-uwi ng 350 thounsand pesos cash prize ang champion habang P250k sa 1st  place.

Samantala, kaliwat-kanan naman ang natatanggap na papuri ng LGU Brooke’s Point mula sa mamayan sa matagumpay na Basketball Tournament dahil sa hatid nitong kasiyahan pati sa mga karating na bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *