3 centenarian sa lungsod ng Sorsogon natanggap na ang P100k centenarian cash gift

SORSOGON CITY – Walang mapagsidlan ang ngiti ng tatlong lola mula sa lungsod ng Sorsogon matapos na matanggap na ng mga ito ang kanilang cash gift na regalo ng gobyerno para sa mga katulad nilang nabubuhay ng higit sa isandaang taon.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Sorsogon, ang mga ito ay sina Catalina Ebio Despabiladeras mula sa Barangay Sto. Domingo, Bacon, Lola Magdalena Habla Lalmera mula sa Barangay Balogo at Paciencia Eugenio Barbin mula sa Barangay Sampaloc, lungsod ng Sorsogon.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Sorsogon, patuloy pa rin ang kanilang pag-iikot at pagmonitor sa napakarami pang indibidwal na maaaring makatanggap ng nasabing reward na malaking tulong sa mga ito at sa kanilang pamilya.

Ang Centenarian Cash Gift ay salig sa RA No. 10868 o ang Centenarian Act of 2016 na naglalayong mabigyan ng P100,000 na tulong pinansyal ang lahat ng Pilipinong nabubuhay ng lagpas sa 100 taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *