3 lalaki, tiklo sa buy-bust ops sa Malilipot, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang tatlong mga lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. 2, Poblacion, bayan ng Malilipot, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Boboy”, 39 anyos, hardware worker; alyas “Jun”, 28 anyos, construction worker, at si alyas “Boyet”, 29 anyos.

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang Municipal Drugs Enforcement Unit personnel ng Malilipot MPS sa bahay na inuupahan ng isa sa mga suspek.

Naabutan at naaktuhan ng mga tauhan ng pulisya ang paggamait ng pinaniniwalaang “shabu” na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa lugar ang tatlong piraso ng shabu at non-drug items.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *