Naga

3 mga nagtapos sa Naga City, pasok sa top 10 ng Nurse Licensure Examination ngayong November 2022

NAGA CITY – Tatlong mga nagtapos sa Naga City ang pasok sa Top 10 ng Nurse Licensure Examination ngayong November 2022.

Isa rito ang 23-anyos na si Ray Anne Morales Calatrava ng University of Nueva Caceres, residente ng Barangay Carolina na hindi makapaniwala na nakapasok siya sa Top 10, nakakuha ito ng 88.20% rating.

Ayon sa kanya, ngayong umaga pa lamang nito nalaman ang resulta, mismong ang kanyang Lola pa ang nagbalita sa kanya.

Salaysay pa nito sa BNFM nagkataon lang aniya na may slots sa naturang kurso noon kaya nag enroll siya ng nursing, habang tumatagal ay minamahal niya na ang mga gawain sa kurso at magsilbi.

Barangay Health Worker ang ina ni Ray Anne, nagtatrabaho naman sa Maynila ang ama, katuwang naman ang kaniyang ate sa pag-papaaral.

Samantala, pasok rin sa Top 8 ang galing sa Ateneo de Naga University na si Julius Robert Culvera Ables na may 88.60% at Top 10 si Marichu Glovo Cayabyab ng Unibersidad de Santa Isabel na may 88.20% din na rating.

Sa record naman ng PRC 18, 528 ang pumasa sa naturang eksaminasyon o katumbas ng 74.4%.

Mensahe niya sa mga nursing student “learn from everything” lalo na ang mga praktikal na gawain, foundation pa rin aniya ang character.

BNFM Naga

Recent Posts

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

13 mins ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

15 mins ago

Political amendment sa Saligang Batas, malaki ang maitutulong sa paglaban sa gutom – senador

Binigyang-diin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla…

20 mins ago

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa “miscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

26 mins ago

GenSan dili pa makadeklara og ‘state of calamity’ dungan sa nasinatiang El Niño

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

30 mins ago

Pagpangawat sa menor de edad, sapon sa CCTV

DAKPAN ang menor de edad nga lalaki human na-track ang lokasyon sa usa ka cellphone…

31 mins ago