3 minahan, inihayag na posible ang responsableng pamimina

Inihayag sa isinagawang forum on Responsible Mining ng DENR-Mines and Geosciences Bureau Regional office 2 ng dalawang minahan sa Lambak ng Cagayan at isa sa Palawan na posible ang responsableng pagmimina sa bansa.

Una rito ay ipinaliwanag ni Philippine Mining and Exploration Association President Joey Nelson Ayson ang mga best practices na isang responsableng minahan.

Kabilang na dito ang pagkakaroon ng Land Ownber Consent bago isagawa ang pagmimina, implementasyon ng safety first policy ng mining company, pagkakaroon ng protocols sa Drill site assessment, pagsasagawa ng rehabilation sa mga mined out areas, IEC at Community support.

Ibinahagi naman ni Jose Bayani Baylon ang Vice President for Corporate Communication ng RIO Tuba Nickel Asia Corp sa Palawan na bahagi ng kanilang rehabilitasyon sa kanilang area na atapos nang namina ang Subic Power Plant.

Ilan pa sa kanilang best practices ay ang Land Management, Air Quality, Water Qaulity, Waste Management na patunay ng kanilang Environmental Compliance.

Habang binanggit naman ni Engr. Sylvi Dianne Guico ang Senior Environment Monitoring Officer ng FCF Minerals na kanilang tinututukan ang kaligtasan ng kanilang mga minero at sa katunayan aniya ay nasa 1.37 lamang ang kanilang incident rate kung saan napanatili ang zero lost time accident.

Ipinunto naman ni Atty. Joan Adaci Cattilin ang President ng Oceanagold Philippines INC. ang kanilang best practices sa Didipio Mines kung saan kabilang dito ang kanilang UG Mining Efficiency o paggamit ng modernong teknolohiya sa pagmimina upang mapabilis ang trabaho at matiyak ang kaligtasan ng mga minero.

Kaugnay dito, sa isinagawang media mine tour sa nasabing minahan ay ipinaliwanag ni Senior Geotechnical Engineer Ryan Gantalao na wala pang naitalang fatalities sa kanilang minahan dahil pangunahing tinututukan ay kaligtasan ng mga minero.

Nilinaw naman ng tatlong minahan na ang pagtulong ng mga ito sa komunidad na kanilang nasasakupan ay hindi lamang nila ginagawa dahil mandato ng batas kundi upang magkaroon ng kaalaman ang publiko na mayroong tamang naidudulot ang mga responsableng minahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *