3 patay, marami sugatan sa suicide bombing sa Uganda

Patay ang tatlong tao kabilang ang dalawang pulis habang mahigit 30 ang sugatan sa nangyaring magkakasunod na suicide bombing sa Ugandan capital city na Kampala.

Ayon sa report, tatlong suspect na sakay ng motorisklo ang nagpasabog ng kanilang sarili malapit sa parliament at city police headquarters.

Kinumpirma ng mga otoridad na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pang parte ng nagkapira-pirasong katawan ng tao ang nakita sa mga kalsada.

Ang magkasunod na pagsabog ay nangyari tatllong minuto lang ang pagitan. Inamin naman ng Islamic State ang nasabing pag-atake.

Samantala, kalaunan ay naaresto ang pinaniniwalaang ika-apat na attacker kung saan nakuha dito ang isang explosive vest na pinaniniwalaang gagamitin sana sa suicide bombing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *