Local News

30 anyos na babae at kinakasama arestado sa buy bust operation sa bayan ng Paracale, nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu, baril at bala nakumpiska

CAMARINES NORTE- Arestado ang mag live- in partner matapos makuhaan ng dalawanpung gramo ng hinihinalang shabu, baril at bala sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad mag- aala una ng madaling araw nitong Biyernes sa Purok 4, Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga naarestong personahe na si alyas “Malyn,” 30 anyos, walang trabaho  na kabilang sa listahan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs ng PNP at ang kinakasama nito na si alyas “Eloy”, 39 anyos, mining financier, pawang residente ng nasambit na lugar.

Nakuha sa pag iingat ng mga suspek ang  isang  piraso ng selyadong plastik  na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang nagsilbing buy-bust item, buy bust money at tatlong piraso ng selyadong plastik  na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang mga nakuhang hinihinalang “shabu” ay may street value na Php 136,000.00.

Nakuha rin sa naturang operasyon ang isang caliber 9mm pistol na walang serial number na kargado ng isang magazine at labing tatlong bala.

Mahaharap ang mga naarestong personahe sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nasa kustodiya ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang mga naarestong personahe gayundin ang mg nakuhang ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.

Photo Courtesy: Aris Zante Zamudio Alexpolous

BNFM Daet

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

36 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

48 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

57 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

1 hour ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

1 hour ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago