30 yrs old na aso sa Portugal, pinakamatandang aso na nabuhuhay sa mundo

KAHANGA-HANGA ang 30 years old na aso ng Costa family sa Leria, Portugal na si Bobi matapos nitong matalo ang dalawang world records na Oldest Dog Living at Oldest Dog Ever mula sa dalawang mag-kaibang aso.

Matatandaan na  ang dating may hawak ng titulong “Oldest Dog Living “ ay ang 23 years old na chihuahua na si Spike habang ang  titulo naman na “ Oldest Dog Ever” ay ang isang 29 years old na australian cattle dog naman na si Bluey.

Ayon sa Guinness si Bobi ay pure breed ng Rafeiro do Alentejo  isang  guardian dog na  ipinanganak noong May 11, 1992 kung saan ayon sa bilang si Bobi ay na sa ika -266 days sa  edad niyang 30 years old nitong nagdaang  February 1, 2023.

Ibinahagi naman ni Costa na si Bobi ay hindi kailanman itinali, o kinadena dahil hinahayaan umano nila ito na gumala-gala sa gubat at sakahan na sakop ng kanilang pamilya,  dagdag pa ng pamilya na ang kinakain lang ni Bobi ay mga unseasoned human food o mga pagkaing tao na walang mga kahit na anong pampapalasa kung saan iniisip nila na isa ito sa mga nakatulong sa mahabang buhay ngayon ni Bobi.

Sa ngayon bunsod ng katandaan ni Bobi malabo na ang mga mata at hirap na sa paglalakad ang nasabing aso ngunit ayon kay Costa sa kabila ng tanda nito patuloy naman na inienjoy ng aso ang buhay sa pamamagitan ng pag lalaan ng kanyang oras sa kanyang mga kaibigang hayop.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *