Local News

3,340 nakatanggap na 1st dose ng COVID-19 vaccine sa Naga; Mga pasilidad ng simbahan handang ipagamit na vaccination area

NAGA CITY- Umabot na sa 3,340 individual ang nakatanggap ng 1st dose ng bakuna kontra sa COVID-19 o nasa 1.54% ng target bakunahan. 306 naman ang bakunado na ng 2nd dose base sa tala ng Health Emergency Response Task Force o HERTF.

Ang bilang na ito ay mga mula sa A1 hanggang A4 priority.  Mula sa Department of Health (DOH) na AztraZenaca at Sinovac ang ginamit.

Malayo pa ito sa 75% target population na mabakunahan na 156, 000 ng 231,000 population.

Dumarami man ang nais magpabakuna, problema pa rin ang pandaigdigang supply kahit na may P63M na pondo Naga para rito.

Samantala, sinabi ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando J. Tria Tirona OCD DD, na bukas ang mga pasilidad ng simbahan sakaling kailanganin na ang karagdagan vaccination area. Halimbawa nito ang mga covered courts.

Mababatid na nag order ang 50K doses ng COVAXIN ng Bharat Biotech at nagpa reserve pa ng 100K doses matapos na sabihin ng AstraZeneca na hindi na aabutin ang lungsod sa mababaan ng supply ngayong taon.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago