35 nahawaan ng bagong ‘Langya henipavirus’ sa China

Umabot na sa 35 na tao ang nahawa ng Langya henipavirus sa eastern Shandong at Central Henan province sa China.

Ayon sa report, wala pa namang ebidensiya ng human-human transmission ng Langya virus na sinasabing nagmula sa “shrew”, isang uri ng mamal na halos kamuha ng daga.

Napag-alamang kabilang sa simtomas na nararamdaman ng mga infected ang lagnat, pagkahabo, ubo, pagkahilo at sakit ng ulo.

Natuklasan din sa pag-aaral na posibleng magdulot ng blood cell abnormalities at impaired liver at kidney functions.

Base din sa report, karamihan sa mga pasyente ay mga magsasaka kung saan sinasabing wala namang exposure sa isa’t isa ang mga tinamaan.

Binigyang diin ng mga researchers sa China kasama ang Singapore at Australia na kailangan nila ng mas malalimang imbestigasyon para mas maintindihan ang nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *