4 na NPA, nagbalik-loob sa gobyerno; 3 rito, ibinunyag ang lokasyon ng mga armas at bala

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang apat na kasapi ng NPA, base sa ulat, mula sa pamunuan ng PRO5.

Unang sumurender ang tatlong NPA sa 31st Infantry Battalion kung saan ang dalawa dito ay kaanib ng Platun 1. L1, KomProb 3 ng BRPC habang ang isa ay miyembro ng Reg’l Yunit Gerilya ng BRPC.

Ibinunyag ng mga ito ang lokasyon ng ilang armas at mga bala na natagpuan sa Brgy Sangat, Gubat, Sorsogon.

Kinabibilangan ito ng isang Cal .30 Carbine, 5 magazine para sa nasabing baril, 2 anti-personnel mine (APM), 2 bandolier, 25 metro ng kawad at 56 na bala para sa naturang baril. Ang mga ito ay nasa kustudiya na ng nasabing batalyon.

Samantala, sa bayan ng Casigura ay boluntaryong sumurender ang isang Ka Henry, 49-anyos, chainsaw operator, may asawa at naninirahan sa Brgy Cogon ng nasabing bayan.

Ito umano ay kasapi ng KLG1, Sub-regional Committee 3 ng BRPC.

Kasabay ng pagsurender ay ibinaba nito ang kanyang armas na isang Cal 45 na pistola, magazine at 7 bala.

Nasa kustudiya na ito ngayon ng 1PMFC para sa kaukulang disposisyon.

Ayon sa impormasyon, ang pagbabalik-loob ng nasabing mga miyembro ng rebeldeng grupo ay resulta ng pagsasagawa ng Community Support Program at intensibong ‘Whole of Nation Approach’ ng Army at PNP sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *