40% ng mga Pilipino, bumaba ang kalidad ng buhay base sa 2021 Q4 poll ng SWS

Naniniwala ang 40% ng adult Filipinos na lumala ang kalidad ng kanilang buhay kung ikukumpara noong 12 buwan na ang nakararaan.

Tinawag na “losers” ang mga nasabing Pilipino sa 2021 fourth-quarter poll ng Social Weather Stations.

Sinabi rin sa survey na nasa 24% ang “gainers” na naniniwala na bumuti ang kalidad ng kanilang buhay habang 36% naman ang “unchanged” o hindi nagbago.

Kung kukunin ang percentage ng gainers sa pamamagitan ng pag-minus sa percentage ng losers ay magreresulta ang Net Gainers score sa -16.

28 points ito na mas mataas mula sa extremely low na -44 na naitala sa third quarter ng 2021, ngunit 34 points na mas mababa kung ikukumpara sa pre-pandemic level na very high o +18 noong fourth quarter ng 2019.

Ipinunto ng SWS na ang 28 points na pagtaas sa national Net Gainer score sa pagitan ng third quarter ng 2021 at fourth quarter ng 2021 ay dahil sa improvements sa lahat ng geographic areas, lalo na sa Metro Manila at Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *