44 na bagong sasakyan tinanggap ng SBMA

Tinanggap ng Subic Bay Metropolitan Authority kaninang umaga ang apatnapu’t apat na mga bagong sasakyan.

Pinangunahan ni SBMA Chairman and Administrator Jonathan D. Tan ang pagtanggap ng ceremonial key ng mga sasakyan mula sa Toyota Motor Philippines.

Ayon kay Tan, ang mga ito ay magagamit ng mga empleyado ng SBMA para sa araw-araw na pagseserbisyo sa mga stakeholders ng freeport.

Samantala, ang mga bagong sasakyan ay kinabibilangan ng sedans, pick-ups at vans.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: SBMA Chairman & Administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *