4M dayuhang bisita naitala sa bansa; P316B naidagdag sa lokal na ekonomiya

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na mahigit apat na milyong dayuhan ang bumisita sa Pilipinas, at nagdala ng P316 bilyon para sa ekonomiya ng bansa.

Batay sa tala ng DOT, may kabuuang 4,005,465 dayuhan ang dumating sa bansa mula Enero 1 hanggang Setyembre 29, 2023.

Sa kabuuang bilang, 91.58 porsyento o 3,668,039 na indibidwal ay mga dayuhan habang 8.42 porsyento o 337,426 naman ay mga overseas Filipinos.

Samantala, pinasalamatan ni Frasco ang lahat ng mga turista at hinimok na na patuloy na suportahan ang turismo ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *