Covid Update

5,685 new COVID-19 infections, 178 fatalities naitala sa PH

Sumipa pa ang kabuoang kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa sa 1,073,555, matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 5,685 na mga bagong infections.

Ito ay sa kabila na limang laboratoryo sa bansa ang bigong makasumite ng kanilang datos, on time.

Ayon sa DOH, ang mababang bilang ay dahil sa kaunting samples na natanggap ng mga laboratoryo noong Sabado at Linggo.

Dahil dito, bumaba rin ang bilang ng mga active cases sa bansa sa 62,713, kung saan 94.4% ang mild, 1.8% ang asymptomatic, 1.6% ang severe, at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, 8,961 pang mga pasyente ang nakarekober mula sa respiratory disease, dahilan para tumaas ang kabuoang bilang ng recoveries sa 993,042, habang 178 naman ang mga bagong fatalities na dahilan para umakyat ang death toll sa 17,800. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago