6 na aktibong private armies, minomonitor ng PNP bago ang eleksyon sa 2022

Minomonitor ng Philippine National Police ang anim na private armed groups at iba pang potential terrorist groups na maaring makaapekto sa eleksyon sa 2022.

Ipinunto rin ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na meron rin 138 na “potential” private armed groups ang nasa ilalim na ng monitoring ng PNP.

Sinabi ni Carlos na layon ng PNP na pigilan ang anuman masamang hangarin ng mga armadong grupo kabilang na ang posibilidad na manakot at mang-harass ang mga ito habang papalapit ang halalan.

Inihayag ni Carlos na magde-deploy ang PNP ng mas maraming pulis sa mga lugar na may private armies.

Isinasailalim na rin ng PNP sa profiling ang mga miyembro ng mga nasabing grupo upang matukoy ang kanilang mga koneksyon at malaman ang kanilang mga kakayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *